Featured Post

To my favorite stranger

You were an adventure No, you still are You were my life vest But you’re the reason, I drown You were the sand  That comes...

Sabado, Hulyo 11, 2015

PARA SA'YO

Napakarami kong tulang inalay para sayo
Sa lahat ng iyon malamang sa malamang ay hindi mo nabasa
Hindi mo nabasa dahil wala kang pakielam
Wala kang pakielam dahil wala kang nararamdaman
Wala kang nararamdaman dahil manhid ka

Napakarami kong tulang inalay para sayo
Pero niisa ay hindi mo binigyan ng pansin
Sinayang mo ang pagod ko sa pagsusulat
Ngunit ganon pa man hindi ako mapapagod sumulat
Hindi ako mapapagod para masabi ko lahat

Napakarami kong tulang inalay para sayo
Para masabi ang lahat ng nararamdaman ko
Masabi ko lang kahit huwag mo na pakinggan
Alam kong hindi mo rin papansinin
Gaya ng hindi mo pagpansin sa mga tulang aking isinulat

Napakarami kong tulang inalay para sayo
Isinulat ko iyon nagbabakasakaling basahin mo
Basahin ang mga hindi ko nasabi ng harapan
Hindi ko nasabi dahil walang oras
Walang oras dahil ayaw mong pagbigyan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento