Featured Post

To my favorite stranger

You were an adventure No, you still are You were my life vest But you’re the reason, I drown You were the sand  That comes...

Linggo, Hulyo 12, 2015

BAKIT?

Umuulan nanaman, kasabay nang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Mugtong mga mata, bakit? Hindi ko maisip kung bakit at paano mo nagawang talikuran ako. Kasabay ng pagpatak ng ulan sumasabay ang mga luhang ayaw magpapigil sa pagpatak. Bawat kantang naririning ay naiisip ka, naiisip na baka sakaling bumalik ka, at mahalin ulit ako. Alam kong masaya ka, pero hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sakin. Nasanay ako, sinanay mo ako na nandiyan ka. Kaya heto ako nangangapa sa iyong pagalis. Bakit biglaan? Bakit walang pasabi? Bakit? Bakit mo ako ginanito? Minahal kita, alam mo yan. Unti-unting humihina ang ulan kasabay nang pagtigil ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Naubos na ang mga luha, pero punong-puno parin ang puso ko punong-puno ng mga pangako mo na napako na at naibaon na ata sa limot.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento