Featured Post

Masaya

Masaya ako para sayo, nahanap mo na siya Masaya ako para sayo, bahagya akong naluha Hindi ko maintindihan pero parang namiss kita Hin...

Lunes, Pebrero 20, 2017

Dalawang Taon


Ito nanaman tayo
Buwan ng mga puso
Pusong masaya, pusong sawi
Di ko mawari

Dalawang taon na ang nakalipas
Oras ay kumakaripas
Umuulit ang alaala
Na ikaw ay kasama

Dalawang taon na ang lumipas
Bakit hindi parin kumukupas
Dalawang taon hindi ka kasama
Ako ay sobrang nadidismaya

Ikaw parin ba?
Hindi, sigurado ba?
Makita ka lamang nakangiti
Sasaya na rin ang aking labi

Ang unang limang taon
Ay aking binaon
Upang maging maligaya
At tayo ay sumaya



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento