Featured Post

To my favorite stranger

You were an adventure No, you still are You were my life vest But you’re the reason, I drown You were the sand  That comes...

Miyerkules, Setyembre 2, 2015

LIHIM

May mga damdaming talagang hindi maitago
Nung una parang wala lang
Tapos bigla na siyang naging mahalaga
Napapangiti ka na niya

Yung makita mo lang siya okay ka na
Kapag napansin ka niya malaking bagay na para sayo
Yung maliliit na bagay na ginawa niya para sayo;
Naging dahilan nang pagkahulog mo para sa kanya

Hindi ka makatulog sa gabi dahil naiisip mo siya
Naiisip mo na baka may gusto rin siya sayo
Gumawa ka na ng mundo;
Mundong ikaw lang ang nakakaalam

Martes, Hulyo 14, 2015

PANAGINIP

Nanaginip ako at naroon ka
Masaya, nakangiti
Nagkita tayo pero,
Hindi tayo nagpansinan

Hanggang sa panaginip
Tayo ay nagiwasan
Tila hindi magkakilala
Tayo'y nagkalimutan na

Linggo, Hulyo 12, 2015

BAKIT?

Umuulan nanaman, kasabay nang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Mugtong mga mata, bakit? Hindi ko maisip kung bakit at paano mo nagawang talikuran ako. Kasabay ng pagpatak ng ulan sumasabay ang mga luhang ayaw magpapigil sa pagpatak. Bawat kantang naririning ay naiisip ka, naiisip na baka sakaling bumalik ka, at mahalin ulit ako. Alam kong masaya ka, pero hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sakin. Nasanay ako, sinanay mo ako na nandiyan ka. Kaya heto ako nangangapa sa iyong pagalis. Bakit biglaan? Bakit walang pasabi? Bakit? Bakit mo ako ginanito? Minahal kita, alam mo yan. Unti-unting humihina ang ulan kasabay nang pagtigil ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Naubos na ang mga luha, pero punong-puno parin ang puso ko punong-puno ng mga pangako mo na napako na at naibaon na ata sa limot.

Sabado, Hulyo 11, 2015

PARA SA'YO

Napakarami kong tulang inalay para sayo
Sa lahat ng iyon malamang sa malamang ay hindi mo nabasa
Hindi mo nabasa dahil wala kang pakielam
Wala kang pakielam dahil wala kang nararamdaman
Wala kang nararamdaman dahil manhid ka

Napakarami kong tulang inalay para sayo
Pero niisa ay hindi mo binigyan ng pansin
Sinayang mo ang pagod ko sa pagsusulat
Ngunit ganon pa man hindi ako mapapagod sumulat
Hindi ako mapapagod para masabi ko lahat

Napakarami kong tulang inalay para sayo
Para masabi ang lahat ng nararamdaman ko
Masabi ko lang kahit huwag mo na pakinggan
Alam kong hindi mo rin papansinin
Gaya ng hindi mo pagpansin sa mga tulang aking isinulat

Napakarami kong tulang inalay para sayo
Isinulat ko iyon nagbabakasakaling basahin mo
Basahin ang mga hindi ko nasabi ng harapan
Hindi ko nasabi dahil walang oras
Walang oras dahil ayaw mong pagbigyan

Miyerkules, Hulyo 8, 2015

TIME IS RUNNING OUT

There are a lot of things I wanna say but there's no time
I saw you yesterday, I know it was you
I know it was you even if you're not looking at me
I wished you look even a second
Isn't it too much to ask for? 
Hey come on look at me, for the last time


I wanna see you, I wanna talk to you


I wanna hear your lies for the last time
I wanna look at you for the last time
I wanna see if you still care
I wanna ask you why
Why did you left me hanging, again

Sabado, Marso 21, 2015

DO YOU REMEMBER

Do you remember the time we got lost? You held me, you said that you’ll take care of me?
Do you remember when you kissed me on the forehead and said that you love me?
Do you remember the good and bad times we had?

Do you remember that you said you won’t leave me? But you did.

I DON’T HAVE THE RIGHT

I don’t have the right to be Jealous
I don’t have the right to be Mad
I don’t have the right to be Angry
I don’t have the right to be …..
But I have the right to know